^

Probinsiya

Batang combat warrior ng NPA, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Batang combat warrior ng NPA, nasagip
Sa report ni Lt. Gen. Ramiro Rey, commander ng AFP-Northern Luzon Command ang binatilyong combat warrior na itinago sa pangalang Macoy ay nakita ng tropa ng 86th Infantry Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry Brigade ng Phi-lippine Army habang armadong gumagala bitbit ang isang M16 rifle sa kagubatan.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga sundalo ang isang menor-de-edad na bagong recruit ng New People’s Army (NPA) na ginawa nilang combat warrior sa security operation ng militar sa Brgy. San Carlos, Echague, Isabela kamakalawa.

Sa report ni Lt. Gen. Ramiro Rey, commander ng AFP-Northern Luzon Command  ang binatilyong combat warrior na itinago sa pangalang Macoy ay nakita ng tropa ng  86th Infantry Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry Brigade ng Phi-lippine Army habang armadong gumagala bitbit ang isang M16 rifle sa kagubatan.

 “With strict fire discipline, the soldiers were able to decisively restrain the armed child that prevented a violent confrontation. Our troops are well trained to use non-lethal means to subdue any threat. Our troops are well disciplined with high regard to human rights,” pahayag ni Lt. Col. Ali Alejo, acting commanding officer ng 86th Highlander Battalion na nakabase sa Jones, Isabela.

Nakumpiska mula sa batang rebelde ang isang M16 rifle na may apat na magazine, isang anti-personnel mine, 100m wire, isang 12 volts ng battery, isang itim na t-shirt ng CPP-NPA, dalawang two-way radio, binoculars, sling bags, mga subersibong dokumento, sari-saring gamot at iba pang kagamitan.

Sa interogasyon, sinabi ng batang rebelde na ni-recruit siya kasama ang mga kala-rong kabataan ng NPA rebels sa pangakong gagawin silang bayani.

AFP-NORTHERN LUZON COMMAND

RAMIRO REY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with