^

Probinsiya

Mag-ama tiklo sa P.5 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines - Aabot sa mahigit P.5-milyong halaga ng droga ang nakumpiska ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit-Provincial Intelligence Branch (PDEU-PIB) at Tayabas City Police sa mag-amang itinuturing na high value target (HVT) sa lalawigan ng Quezon at kabilang sa talaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, makaraang masakote sa anti-drug operation kamakalawa sa exclusive subdivision sa Tayabas City.

Sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Director P/Col. Audie Madrideo, ang mga nadakip ay nakilalang sina Shajid Abutin Alcala, 38, anak ng namayapa nang suspected drug pusher na si Cirilo “Athel” at Jeanlord Briones Alcala, 19.

Minsan nang nakulong si Shajid noong naka­lipas na halos dalawang taon subalit nakapagpiyansa samantalang ang asawa niyang si alyas “Thesa” ay pinagbabaril at napaslang ng riding-in-tandem, may isang taon na ang naka­raraan habang sakay ng kotse at binabagtas ang Pleasantville Road, Brgy. Ilayang Iyam, Lucena City.

Nadakip ng grupo nina P/Capt. Reynaldo Dalumpienes at P/Maj. Mark Amat sina ShajId at anak na si Jeanlord makaraang kumagat sa buy-bust operation dakong alas-2:40 ng madaling araw sa kanilang bahay sa San Juan Estates Subdivision, Brgy. Isabang, Tayabas City.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 94.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P525,475, limang P1,000 marked money, mga drug paraphernalia at walang dokumentong KIA Sportage na kulay puti.

Samantala, dakong ala-1:30 ng hapon, matapos ang buy-bust ay nadakip naman sa Brgy. Silangang Mayao, Lucena City ng PIB-PDEU at Lucena Police si Mark Angelo Briones, 35, ba-yaw ni Shajid. Nakumpiskahan siya ng 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nasa mahigit P8,000.

AUDIE MADRIDEO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with