Ex-tserman niratrat ng 2 tandem
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang dating kapitan ng barangay ang nasawi matapos ratratin ng dalawang riding-in-tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo naganap sa Brgy. Palawig, Sta. Ana, Cagayan, noong Huwebes.
Ang nasawing biktima ay si Dionilo Poblete, 57-anyos, dating chairman ng Brgy. Patunungan.
Ayon sa report, sinabayan ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang biktima saka ito pinagbabaril sa ulo dakong alas-11:00 ng umaga.
Agad namatay si Poblete habang natumba ang motorsiklong angkas si Lodrigo Bumanglag.
Narekober sa lugar ang P272, 500 cash at mga titulo ng lupa na nakasilid sa bag ni Poblete habang hindi pa makausap nang matino si Bumanglag na natulala sa pangyayari.
Natagpuan din ang dalawang basyo ng cal.45 boga na tumapos sa buhay ng dating opisyal.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.
- Latest