^

Probinsiya

Misis minartilyo ni mister, patay!

Pilipino Star Ngayon
Misis minartilyo ni mister, patay!
Idineklarang dead-on-arrival sa Guimba General Hospital ang biktimang si Vivian Pajota, residente ng nabanggit na lugar matapos na magtamo ng matinding pinsala sa kanyang ulo.
The STAR/File

NUEVA ECIJA, Philippines — Dahil sa matinding selos, naga-wang mapatay ng isang mister ang kanyang 39-anyos na misis matapos na hatawin niya ng martilyo sa ulo sa ka­nilang bahay sa Barangay Macatcatuit, Guimba, lalawigang ito, iniulat kahapon.

Idineklarang dead-on-arrival sa Guimba General Hospital ang biktimang si Vivian Pajota, residente ng nabanggit na lugar matapos na magtamo ng matinding pinsala sa kanyang ulo.

Nagtatago naman nga-yon ang suspek na si Jimmy Pajota, 40, isang farm helper, matapos na mapatay ang asawa.

Ayon sa Guimba Police, ini-report sa kanilang tanggapan ang pangyayari bandang alas-4 ng mada-ling-araw nitong Martes ng isang Jaime Quibuyen, 63, isang magsasaka at tiyuhin umano ng suspek.

Sa imbestigasyon, naganap ang karumal-dumal na pagpatay ng mister sa sari-ling asawa  bandang alas-10 ng gabi noong Lunes.

Sinabi umano ni Quibu-yen na bago ang pagpatay, narinig nila na nagtatalo ang mag-asawa. Nakatanggap umano ng isang text message ang biktima na nabasa umano ng kanyang mister na ipinagselos at ikinagalit umano ng huli.

Kasunod nito, bigla na lamang umanong nagdilim ang paningin ng mister at kumuha ng martilyo saka hinataw sa ulo ang kanyang asawa. Nasapol ang biktima at nawalan ng balanse sabay ng pagbagsak nito.

Nang tumahimik ang paligid, agad na pinuntahan ng kanilang mga kamag-anak ang bahay ng mag-asawa at nagitla sila nang makitang duguan at naka-handusay na ang biktima.

Agad silang humingi ng tulong sa barangay at isinugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang patay. 

vuukle comment

DEAD ON ARRIVAL

VIVIAN PAJOTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with