HVT nalambat sa P.6 milyon shabu
ANGELES CITY , Philippines — Arestado ang isang lalaki na high value target ng pulisya dahil umano sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy Balibago, ng lungsod na ito noong Martes. Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales, kinilala ang suspek na si Basco Kamal, 22, residente ng Barangay 74, Sandiganbayan, Quezon City.
Nasamsam dito ang nasa 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P650,000 at marked money.
Ayon sa suspek, ang nakumpiskang shabu ay pinadala lamang sa kanya upang ideliver sa Angeles ngunit minalas dahil ang nakatransaksyon nito ay isang pulis na nagpanggap buyer.
- Latest