^

Probinsiya

3 suicide bomber utas sa engkwentro!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 suicide bomber utas sa engkwentro!
Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Western Mindanao Command, bandang alas-4:50 ng hapon nang ma­kasagupa ng tropa ng 41st Infantry Battalion (IB) at 1102nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army ang nasabing mga tero-rista.
AFP/File

MANILA, Philippines – Nasilat ang panibagong planong pambobomba sa Jolo ma­tapos na mapatay ng tropa ng militar ang tatlong pinaghihinalaang suicide bombers kabilang ang mag-amang dayuhan sa umaatikabong engkuwentro sa Indanan, Sulu nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Western Mindanao Command, bandang alas-4:50 ng hapon nang ma­kasagupa ng tropa ng 41st Infantry Battalion (IB) at 1102nd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army ang nasabing mga tero-rista.

Kinilala ang dala-wang dayuhang tero-rista sa mga pangalang “Abduramil” at “Abdurahman” na umano’y asawa at anak ng babaeng suicide bomber na uma­take sa military post sa KM3, Brgy. Tagbak, Indanan, Sulu no-ong Setyembre 8, 2019.

“The suicide bom-bers killed yesterday were foreign terrorists that form part of the ASG sub-group under Hatib Sawadjaan so it can be a retribution to the recent neutralization of the ISIL (Islamic State of Iraq and the Levant) terrorist leader in Syria,” pahayag ni Sobejana.

Ang tinutukoy ni Sobejana ay si Abu Bakr Al-Baghdadi, lider ng ISIL sa Syria na napatay sa assault operation ng US Special Forces doon nitong huling bahagi ng nakalipas na buwan.

Sinabi ng opisyal, ang tatlong bombers ay lulan ng isang motorsiklo na galing sa ba-yan ng Maimbung nang maharang ng tropa ng militar sa national  highway ng Sitio Itawon, Brgy. Kan Islam, Inda­nan. Dalawa aniya sa mga terorista ay mga foreign terrorists habang isa ay isang local Abu Sayyaf member. 

 Narekober sa mga napaslang ang isang cal.45 pistol na kargado ng bala, isang hand grenade at dalawang vests na may pampa-sabog at “triggering devices” na kahawig ng “bomb-vest” na ginamit ng mga suicide bombers sa pagpapasabog sa Brgy. Tanjung, Indanan, Sulu noong Hunyo 28 at Setyembre 8, 2019.

 

 

 

SUICIDE BOMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with