^

Probinsiya

Tserman na senglot utas sa mag-aama!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Tserman na senglot utas sa mag-aama!
Kinilala ni Captain Nestor Pascual, hepe ng Allacapan Police ang napatay na si Mariano Tabanda, 53-anyos, chairman ng Barangay Bulo ng nasabing bayan na dead-on-the-spot sa insidente dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bumulagta ang isang punong barangay na lasing matapos siyang pagbabarilin gamit ang sariling baril nito na ­inagaw ng mag-aama na kanyang sinita at nakaalitan sa isang palayan habang pauwi ang una mula sa isang laklakan sa Brgy. Gagaddangan, Allacapan, Cagayan noong Biyernes. 

Kinilala ni Captain Nestor Pascual, hepe ng Allacapan Police ang napatay na si Mariano Tabanda, 53-anyos, chairman ng Barangay Bulo ng nasabing bayan na dead-on-the-spot sa insidente dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi nang sitahin ni Tabanda na lango sa alak sina Virgilio Trinidad, 50 at mga anak niyang sina Junjun, 35, at Edison, 32, na noon ay nangunguryente ng pesteng igat sa kanilang palayan.

Dahil dito, nauwi sa matinding pagtatalo sa pagitan nina Tabanda at nakatatandang Trinidad ang ginawang paninita ng una bagama’t sa pamumuksa ng peste sa palayan ang ginagawa ng mag-aama at hindi naman umano ito teritoryo ng tserman. 

Nabatid na napikon at inilabas ng tserman ang kanyang cal. 40 baril at itinutok sa ulo ni Edison saka ipinutok subalit sa kanang braso tinamaan ang huli dahil sa sobrang kalasingan ng opisyal.

Agad na nakipambuno kay Tabanda si Junjun hanggang sa maagaw nito ang baril at niratrat nito ang una hanggang na maubos ang laman ng magazine ng baril.

Bumulagta ang tserman habang inaresto ng mga nagrespondeng pulis ang mag-amang sina Virgilio at Junjun samantalang si Edison ay isinugod sa ospital.

Narekober ng mga imbestigador ang lisensyadong cal.40 pistol ni Tabanda at pitong basyo ng balang bumistay sa kanya.

vuukle comment

NESTOR PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with