^

Probinsiya

Mini dump truck swak sa bangin: 5 malubha

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Lima katao ang malub-hang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang isang mini dump truck sa Brgy. Poitan, Banaue, Ifugao kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang mga bikti-ma na sina Joshua Odan, driver; Mark Kevin Lorenzo at Laurence Villa; pawang ng Alfonso Lista, Ifugao; Junie delos Santos at Clifford Sa­gudo; pawang taga-San Mariano, Isabela.

Ang mga sugatan ay mabilis na isinugod sa Good News Clinic and Hospital pero dahil sa maselang kon­disyon, inilipat sila sa Vete­rans Regional Hospital sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa report ng tanggapan ni Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, dakong alas-6 ng gabi habang buma­bagtas ang mini dump truck na sinasakyan ng mga biktima nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito na si Odan pagsapit nila sa matarik na bahagi ng Sitio Liwang sa Brgy. Poitan.

Bunga nito, tuluy-tuloy na nahulog sa may 50 metrong lalim na bangin ang mga biktima na nagtamo ng malulubhang sugat at pagkabali       ng buto sa katawan.

Ang mga biktima ay si­naklolohan ng rescue team  at isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas.

vuukle comment

BANGIN

MINI DUMP TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with