^

Probinsiya

4 patay sa tigdas sa Cordillera

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

939 pang iba apektado

MANILA, Philippines – Apat na katao ang naitalang nasawi habang lumobo naman sa 939 ang bilang ng tinamaan ng sakit na tigdas sa buong Cordillera Administrative Region (CAR) na binubuo ng mga lalawi­gan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province kabilang ang Baguio City.

Ayon sa ulat ng De­partment of Health-Cordillera naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nagkakasakit ng tigdas sa lalawigan ng Benguet habang naitala naman ang pinakamaliit na bilang sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay  DOH-CAR senior health officer Karen Lonogan mula buwan ng Enero 1, 2019 hanggang nitong buwan ng Agosto ay nakapagtala ang ahensya ng 939 katao na tinamaan ng tigdas na may 967% ang itinaas kumapara sa 88 lamang na kaso sa kaparehong buwan noong 2018.

Lumalabas na naitala rin ang pinakamaraming bilang ng mga tinamaan ng tigdas mula Enero hanggang Abril at bumaba naman simula nitong Mayo hanggang Agosto dahil na rin sa puspusan na panawagan at pagbibigay ng gabay ng DOH sa publiko.

Nabatid naman na ang kaso ng tigdas ay tu­maas sa buong bansa ngayong 2019.

 

vuukle comment

TIGDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with