^

Probinsiya

2 preso nagsuntukan: 1 todas

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang preso matapos na bumagok ang ulo nito habang nakikipagsuntukan sa kapwa inmate sa loob mismo ng detention cell ng Dasmariñas City Police kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng pulisya rito ang biktima na si Roberto Marinas, 55, na nakulong sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga habang ang suspek ay kinilalang si Zaldy Alvaran, 42, na may kaso ring droga.

Ayon kay Ricohermoso, kapwa nasa loob ng kulungan sina Marinas at Alvaran kasama ang iba pang mga preso nang magtalo ang dalawa hinggil sa inagaw ng suspek ang puwesto ng biktima sa loob ng kulungan. Nagkasagutan ang dalawa hanggang sa mauwi sa suntukan.

Hindi naman maawat ng mga kapwa preso ang dalawa dahil sa ayaw nilang mada­may. Dahil sa huling binitawang malakas na suntok ng suspek, lumagapak ang biktima sa sementadong sahig at nawalan ng malay. Mabilis na naitakbo ang biktima sa ospital pero idineklarang dead-on- arrival.

vuukle comment

PRESO

SUNTUKAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with