^

Probinsiya

Parak nag-amok sa kasal: 1 utas, groom sugatan

Joy Cantos, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Isa ang patay habang sugatan ang groom matapos na mag-amok at barilin ng isang pulis ang bride na dati nitong live-in-partner dahil sa hindi nito matanggap na mag-aasawa na ang huli sa naganap na madugong reception ng kasal sa Brgy. Citrus ng nasabing siyudad kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police ang biktima na si Margarette Cleavan Rosal, 26-anyos, binata, pump attendant ng UC2 Upper, Area G, Brgy. Citrus SJDM at kapatid ng bride.

Bantay-sarado naman sa Sapang Palay District Hospital ang suspek si Pat. Jessie Gubat, 27-anyos, nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Cabanatuan City at kasalukuyang nakatira sa TC 11, Brgy. Citrus dahil sa tinamo ring tama ng baril sa tiyan mula sa napaslang.

Aksidente namang tinamaan ng bala sa kanang hita ang groom na nakilalang si Reggie Tolosa matapos na saluhin ang bala na dapat ay para sa kanyang bride.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:40 ng gabi, habang masayang nagkakainan at nag-iinuman ang bagong kasal na sina Reggie at bride nitong si Joyce Anne, 31-anyos kasama ang ilang mga bisita nang biglang dumating si Pat. Gubat at babarilin sana ang bride subalit ang tinamaan ay ang groom.

Mabilis na tumakbo ang suspek at hinabol ng bayaw ng groom na si Rosal hanggang sa magpang-abot sila sa harap ng bahay ng nasabing pulis. Dito nagpambuno umano ang dalawa hanggang sa mabaril sa tiyan ang nasabing pulis na nagawang makatakbo papasok ng kanyang bahay at kumuha ng isa pang baril at doon niya pinagbabaril sa ulo at katawan ang biktima.

Agad na nasawi ang biktima habang isinugod naman ang suspek at ang groom sa nasabing ospital.

Napag-alaman na dating live-in-partner ng nasabing pulis si Joyce Anne at hiniwalayan nito ang una para magpa­kasal kay Tolosa.

Lumalabas na “love triangle” ang dahilan ng pag-aamok ng suspek na nauwi sa malagim na kamatayan ng bayaw ng groom sa kasalan.

vuukle comment

AMOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with