Amok: 3 magkakaibigan tinaga
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tatlong magkakaibigan ang malubhang nasugatan matapos na pagtatagain habang nasa kasarapan ng inuman ng naghuramentadong kabarangay sa Purok-5, Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Patuloy na inoobserbahan ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sina Mark Anthony Villaflores, 23, Dizon Abonio, 22, at Jesi Alexi Miyata, 18-anyos.
Tinutugis naman ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Domingo Padua, na isang construction worker.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi habang nagkakasayahan at nag-iinuman ang mga biktima nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang suspek na armado ng itak at bigla silang pinagtataga na hindi agad nakatakbo dahil sa pagkabigla. Matapos makitang duguan ang mga biktima, naglakad lang ang suspek palayo habang sumisigaw at naghahamon ng away.
Dumampot pa ng bato ang suspek at pinagbabato ang mga bahay na kanyang madaanan.
Gayunman, nang mari-nig ang paparating na patrol car ng mga pulis ay agad na nagtatakbo at tumakas patungo sa hindi malamang direksyon.
Isinugod ng mga pulis at kaanak ang tatlong sugatan sa Camarines Norte Provincial Hospital.
- Latest