^

Probinsiya

74-anyos lolo nagbigti sa tulay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Dahil umano sa malala nitong sakit, pinili ng isang 74-anyos na lolo na magpasalubong kay kamatayan matapos na magbigti sa ilalim ng tulay sa Zone 5 ng Brgy. Camanacsacan ng lungsod na ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Bonifacio Santos, isang biyudo at magsasaka ng nasabing barangay. 

Ayon sa pulisya, binigti ng biktima ang kanyang sarili gamit ang isang nylon cord na itinali sa nasabing tulay. Nakita ang nakabiting katawan ng biktima ng isang dumadaang ka-barangay nito na si Marilou Dizon, 55-anyos, na agad namang ipinagbigay-alam sa barangay officials at sinaklolohan.

Ayon naman kay Michael Santos, 42, anak ni Bonifacio, naniniwala siya na walang “foul play” na nangyari sa pagkamatay ng kanyang ama at ginusto umano nito na magpakamatay na dahil sa sakit nitong emphysema. Inamin pa Michael na may tatlong beses na umanong nagtangkang-magsuicide ang ama hanggang matuluyan nang magbigti sa tulay.

TULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with