^

Probinsiya

Mag-asawa, pamangkin at 1 pa timbog sa Droga

Ma. Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, pamangkin at 1 pa timbog sa Droga
Makikita sa larawan ang mga suspek (kanan, nakaupo) habang iniimbestigahan ng pulisya matapos maaresto sa buy-bust operation sa Brgy. San Francisco ng nasabing lungsod.
Kuha ni Maria Cristina Go Timbang

Cavite, Philippines — Ginawa nang family business ng isang mag-asawa at isa nilang pamangkin ang pagtutulak ng droga sa kanilang lugar at karatig bayan hanggang madakip sila ng pulisya sa isang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay San Francisco, General Trias, Cavite. 

Kinilala ni Police Supt. Paul Bometivo, hepe ng General Trias Police, ang mga suspek na sina Danilo Rosales, 38,  may IR  record sa pulisya;  mi­sis nito na si Marie Rose Rosales, 35, at  pamangkin na si Reymond Fau­ni, 23, pawang mga  residente ng Sitio Canatuan-2, Brgy. San Francisco, at ang runner  at look out ng mga ito na si Michael Solis, 37. 

Nabatid kay Bometivo na, alas 7:00 ng gabi, kasama niya ang mga miyembro ng DEU-Operatives nang ikasa nila ang Buy-Bust ope­ration. Isa sa kanyang  tauhan ang tumayong scorer at nakipag-deal sa mga suspek. 

Agad itong inabutan ng mag-asawa kaya rito na dinakma ang mga suspek. Nabatid na ang runner at look out ng mga ito ay dati ng nakulong sa kaso ring drugs. 

Nakuhanan ang mga ito ng 10 plastic sachet na naglalaman ng ’di pa mabilang na shabu at drug money.

DRUG BUY BUST OPERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with