^

Probinsiya

Nanay dedo, anak kritikal sa salpok ng motor

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Nanay dedo, anak kritikal sa salpok ng motor
Kinilala naman ng pulisya ang sugatang anak ni Avelina na si Maribel Hembrador, kapwa residente ang dalawa ng # 268 Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City Cavite.

Cavite, Philippines — Nasawi ang inang si Avelina Hembrador, 69, habang nasa malubhang kalagayan ang 42-anyos nitong anak matapos tumbukin ng isang ru­ma­ragasang motorsiklo habang tumatawid sa Molino-Paliparan Rd., Brgy. Paliparan 2 Dasmariñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala naman ng pulisya ang sugatang anak ni Avelina na si Maribel Hembrador, kapwa residente ang dalawa ng # 268 Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente nang magkasamang tumatawid ang mag-ina sa nasabing kalsada nang sila’y tumbukin ng isang motorsiklong may plakang XT 6703 na minamaneho ni Abraham Concrenio, 58, taga-Brgy Paliparan 3, ng nasabi ring lungsod.

Nabatid na may ka­bilisan umano ang takbo ng motor at hindi ito nag-menor kahit na nasa pedestrian crossing na ito kung kaya nasalpok nito ang tumatawid na mag-ina.

Agad na naisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Avelina habang ginagamot. Patuloy namang inoobserbahan ang kalagayan ni Maribel.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng motor at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

CAVITE ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with