^

Probinsiya

2 patay, 3 tiklo sa drug ops

Christian Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 3 tiklo sa drug ops
Nasa larawan ang dalawang nakabulag-tang suspek ma­ta­pos ma­patay sa isang buy-bust ope­ration sa Brgy. Muzon 1, Rosario, sa lalawigan ng Cavite, kahapon ng madaling araw.
Kuha ni Cristina Timbang

NUEVA ECIJA, Philippines — Dalawang lalaki na hinihinalang mga ‘pusher’ ng droga ang nasawi habang sumuko naman ang tatlong iba pa sa mga isinagawang buy-bust operations sa dalawang bayan at dalawang lungsod sa lalawigang ito, noong Miyerkules at Huwebes, ayon sa pulisya kahapon.  Kinilala ang dalawang napatay na sina Ireneo John Reyes Jr., alyas “Jan-Jan”, at Edmundo Rivera, alyas “Dong”, pawang taga-Cabanatuan City.

Nakilala naman ang tatlong sumurender na suspek na sina Jonathan Facundo, Raymond Padolina, at Raymond Sicuan, pawang mga nasa hustong gulang.

Nabatid na ang suspek na si Jan-Jan, ay napatay ng mga otoridad bandang ala-1:20 ng umaga noong Miyerkules nang manlaban umano ito sa mga otoridad sa Brgy. Mapangpang, Lupao habang si Dong ay nasawi sa buy-bust operation sa Brgy. San Vicente, Gapan City, bandang alas-2:00 ng madaling-araw kahapon.

Bandang alas-11:50 ng umaga noong Miyerkules nang sumuko sina Facundo at Padolina sa sa isang operasyon sa Brgy. Rajal Sur, Sta. Rosa, habang sumuko naman si Sicuan sa mga pulis matapos masakote sa Brgy. Poblacion South, bandang ala-1:10 ng madaling-araw kahapon.

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with