^

Probinsiya

P6.56-M shabu nadiskubre sa inabandonang kotse

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Bustos, Bulacan, Philippines — Tinatayang nagkakahalaga ng P6.56 milyong shabu ang nadiskubre ng Bulacan Police sa isang ina­bandonang sasakyan sa Bypass Road Brgy. Camachilihan, Bustos, Bulacan kamakalawa.

 Sa insiyal na ulat ni P/Sr.Supt Chito G. Bersaluna, Bulacan Police Director, dakong alas-9:30 ng umaga nang makita ang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa isang kilo sa isang nakaparadang itim na Daewoo na kotse na may plakang XKP 622.

Ayon kay PCI Ronie Pascua, hepe ng Bustos Police, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na kahinahinalang kotse na nakaparada sa gilid ng nasabing bypass road at walang sakay.

Agad na tinungo na mga operatiba ng Bustos Police ang nasabing kot­se at doon nila nadiskubre sa likurang bahagi ng sasakyan ang isang kulay berdeng plastic container na may Chinese marking na kahalintulad ng na-recover na shabu kamakailan sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang nadiskubreng shabu ay agad na dinala sa Bulacan Crime Laboratory at sa kasalukuyan ay inaalam pa kung sino ang nagmamay-ari ng inabandonang sasakyan.

BULACAN POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with