Ex-tserman na ‘tulak’, dedo sa buy-bust
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang dating kapitan ng barangay na sinasabing ‘tulak’ ng droga matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Binanuahan sa bayan ng Pilar, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Roy Morales Lumbao, residente at dating chairman ng nasabing barangay.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek na itinuturing na high value target at nasa number 8 sa provincial target list ng mga drug personality.
Isang pulis ang tumayong buyer at nang magkaabutan na ng droga at pera ay nakatunog umano ito na pulis ang ka-deal at agad na bumunot ng baril kaya pinaputukan siya ng mga nakatagong operatiba.
Nakuha sa suspek ang 5 gramo ng shabu na may street value na P18,000, kalibre .45 baril, at ilang drug paraphernalia.
- Latest