^

Probinsiya

Van vs truck: 2 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Van vs truck: 2 patay
Pawang dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang mga biktimang sina Jeric Ramos Geron, 50-anyos, at paslit na anak na si Salvacion Geron, habang kritikal ang live-in partner na si Myrna Flores, pawang residente ng Sampaga East, Batangas City.
File Photo

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang mister at 2-anyos na babaeng anak habang comatose sa pagamutan ang kinakasama nito matapos na sumalpok sa kasalubong na trak ang sinasakyang van sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Purok-5, Brgy. Balangibang sa bayan ng Polangui, Albay kahapon ng umaga.

Pawang dead-on-arrival sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang mga biktimang sina Jeric Ramos Geron, 50-anyos, at paslit na anak na si Salvacion Geron, habang kritikal ang live-in partner na si Myrna Flores, pawang residente ng Sampaga East, Batangas City.

Sa ulat ng Albay Police, dakong alas-7:00 ng umaga habang bumibiyahe ang van (POC-505) na minamaneho ni Geron patungong Samar galing ng Batangas nang biglang kumabig ito sa kabilang linya at sumalpok sa kasalubong na wing van truck ng CJT Trucking na minamaneho ni Petronio Tan, 44, residente ng Maasin, Leyte.

Sa lakas nang pagkakabangga nawasak ang unahang bahagi ng van dahilan para maipit ang driver na si Jeric habang parehong lubhang nasugatan sina Salvacion at Myrna kung saan namatay habang isinusugod sa ospital ang paslit.

Sumuko naman sa mga rumespondeng pulis ang driver ng nakabanggaang trak.

vuukle comment

ALBAY ROAD ACCIDENT

POLANGUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with