^

Probinsiya

Karambola: Propesor dedo, 2 estudyante kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Karambola: Propesor dedo,   2 estudyante kritikal
Sa report kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, sinasabing galing sa inuman si Prof. Roger Paredes, ng Cagayan State University nang tangkain niyang mag-overtake sa sinusundang motorsiklo subalit naabutan siya ng kasalubong na Victory Liner bus na biyaheng Sampaloc dakong alas-5:10 ng hapon.?

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Hindi na umabot ng bagong taon ang isang 62-anyos na propesor ng pambansang pamantasan habang kritikal ang dalawang estudyante matapos na masangkot sa karambola ang minamaneho nitong kotse, isang motorsiklo at isang bus sa highway ng Brgy. Caggay sa lungsod na ito noong Sabado.?

Sa report kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, sinasabing galing sa inuman si Prof. Roger Paredes, ng Cagayan State University nang tangkain niyang mag-overtake sa sinusundang motorsiklo subalit naabutan siya ng kasalubong na Victory Liner bus na biyaheng Sampaloc dakong alas-5:10 ng hapon.?

Sa lakas ng salpukan, tumaob ang Toyota Corolla na minamaneho ng matanda at nahagip pa ang kinakarerang motorsiklo na sakay ang mga estudyanteng sina Katrina Bago, 20, at Mica Shane Perez, 21.? Isinugod ng mga sumaklolo sa hospital si Paredes na idineklarang patay habang ginagamot ang dalawang estudyante sa Cagayan Valley Medical Center. ?Nabatid na nag-positibo sa pag-inom ng alak ang drayber ng bus na si Nelson Fajardo, 39, kaya isinailalim siya at ang kanyang sasakyan sa kustodya ni Cablarda.

vuukle comment

ACCIDENT

KARAMBOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with