^

Probinsiya

Bahay ng CIDG-ARMM chief grinanada

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na pagsabog ang bahay ng hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM) matapos na hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang mga salarin kahapon ng madaling araw.

 

Sa ulat ng ARMM Police, dakong alas-2 ng madaling araw nang pasabugan ng granada ang tahanan ni Chief Inspector Esmael Madin sa Brgy. Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Wala namang naiulat na nasaktan at nasugatan sa pamilya ng opisyal pero lumikha ito ng kanilang matin­ding pagkatakot.

Sinabi ng opisyal na may ideya na siya sa mga nasa likod ng pagsabog kaugnay ng patuloy na pagbabanta sa kanyang buhay pero tumanggi siyang idetalye ito.

Sa teorya naman ng mga imbestigador, ang mga umatake sa bahay ng hepe ay mula sa grupong kriminal na nalansag ng CIDG sa kanilang mga operasyon.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi malamang destinasyon matapos ang insidente.

vuukle comment

GRANADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with