^

Probinsiya

OFW, misis tiklo sa pagtutulak

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
OFW, misis tiklo sa pagtutulak
Kinilala ni P/ Chief Insp. Richard Dones Corpuz, hepe ng pulisya sa bayang ito ang dinakip na OFW na si Gerald Gonzales, 44, may asawa, misis nito na si Jonie Gonzales, 43, kapwa residente ng 4310 Villa Ramirez, Brgy. Tabon I, Kawit, Cavite at si Theodoro Santos, 43, ng 158 Brgy. Kaingen, Bacoor City.
File Photo

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang overseas Filipino worker (OFW) at misis nito kasama ang isa pang kasabwat sa isinagawang buy-bust operation ng Kawit Police kahapon ng madaling araw sa Brgy.Tabon 1, ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/ Chief  Insp. Richard Dones Corpuz, hepe ng pulisya sa bayang ito ang dinakip na OFW na si Gerald Gonzales, 44, may asawa, misis nito na si Jonie Gonzales, 43, kapwa residente ng  4310 Villa Ramirez, Brgy. Tabon I, Kawit, Cavite at si Theodoro Santos, 43, ng 158 Brgy. Kaingen, Bacoor City.

Sa ulat, alas-5 ng madaling araw nang ikasa ng SDEU sa pangunguna ni SPO2 Jaspher Paul Aspiras kasama ang PDEA 4A ang buy-bust operation laban sa mga suspek. Isang pulis ang tumayong buyer at nakipag-deal sa halagang P500 na shabu. Habang nagpapalitan ng item at bayad sa lugar, dito na sila dinakma ng mga nakaabang na pulis. Nakum­piska pa sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng shabu habang ang OFW ay isang kalibre 38 na may anim na bala at isang Ford Everest (AAU 8308).

OFW ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with