2 sekyu sa bank robbery arestado
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Kalaboso ang bagsak ng dalawang security guard matapos na madawit sa Metrobank robbery hold-up sa lungsod na kanilang pangangalaga noong Martes kung saan P21 milyon ang nakulimbat ng limang armadong lalaki na naka-police uniform. Kinilala ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Mario Espino ang dalawang sekyu na sinampahan na ng kasong kriminal na sina Angelo Liban at Ace Mark Gunnacao.?
Ayon kay Espino, maliwanag sa kuha ng CCTV ng bangko ang malugod na pagpapapasok ng dalawang sekyu sa limang armadong suspek dakong alas-8:45 ng gabi. ?Naunang sinabi ng mga guwardiya na nagpakilalang mga pulis ang naka-camouflage uniforms na suspek na magsasagawa lamang ng inspeksiyon sa bangko ng dis-oras ng gabi.? Nakatakas na ang mga suspek tangay ang perang nakulimbat sakay ng isang puting van nang magtawag ang mga sekyu ng responde sa pulisya.?
- Latest