^

Probinsiya

Terorista tiklo sa ‘Oplan Saliksik’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Terorista tiklo sa âOplan Saliksikâ
Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, dakong alas-7:30 ng gabi nang maaresto si Raul Razo, alyas ‘Ka Jade’, 47, na ika-2 sa Most Wanted Person ng PRO4 (Ca­labarzon), at kaanib umano ng CPP-NPA-NDF na deklaradong isang teroristang grupo.

MANILA, Philippines — Nadakip ang isang la­laki na sinasabing mi­yembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at may patong sa ulo na P.5-milyon sa isinagawang “Oplan Saliksik” ng pulisya sa Baras, Rizal kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, dakong alas-7:30 ng gabi nang maaresto si Raul Razo, alyas ‘Ka Jade’, 47, na ika-2 sa Most Wanted Person ng PRO4 (Ca­labarzon), at kaanib umano ng CPP-NPA-NDF na deklaradong isang teroristang grupo.

Nabatid na nagsasagawa ng ‘Oplan Saliksik’ o paghahanap ng mga most wanted persons, ang mga ala­gad ng batas nang madakip ang suspek sa kanyang tahanan sa Block 54, Phase 1, South Ville 9, Barangay Pinugay, sa Baras, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Florencio Arellano ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court (RTC) Branch 28.

Si Razo, na nahaharap sa kasong murder, ay mayroong P500,000 patong sa ulo.

ARRESTED

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE’S ARMY-NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with