^

Probinsiya

Karambola ng sasakyan: 7 patay, 40 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Karambola ng sasakyan: 7 patay, 40 sugatan
Nagkalat ang katawan ng mga namatay at nasugatan sa highway matapos ang naganap na karambola ng sasakyan nang sumalpok ang isang pampasaherong jeepney at bumaliktad na ikinasawi ng pitong katao at ikinasugat ng 11 iba pa na karamihan ay magkakamag-anak sa Pagadian City kahapon ng umaga.
(Courtesy: Zamboanga del Sur acting Gov. Ace Cerilles)

MANILA, Philippines — Pitong katao na mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at karamihan ay magkakaanak ang nasawi habang nasa 40 pa ang nasugatan makaraang masangkot sa malagim na aksidente nang su­malpok ang kanilang sinasakyang dyip sa  tatlong sasakyan sa highway ng Purok Bajada sa Brgy. Dao, Pagadian City Zamboanga del Sur, kahapon ng umaga.

Sa phone interview ng Pilipino STAR Ngayon kay P/Supt. Alvin Saguban, hepe ng Pagadian City Police, kinilala ang mga biktima na pawang idineklarang dead-on-arrival sa Mendero Hospital na sina Dato Genecan, Joleto Genecan, Ernesto Ge­necan, Mary Joy Ge­necan, Pacay Florencio Jr., Lenda Baowan at isang alias Macatolad.

Ang ilan sa mga sugatan na ginagamot sa nasabi ring ospital ay sina James Dagunog, Genlyb Dagunog, Beinvedio Dagunog, Nelda Dagunog, Vilma Puto, Neck Viton Puto, Lara Mae Gumitan, Gladys Siay, Jessa Mae del Rosario, Jailanie Dagunog, at driver na si Warlito Padaran.

Sinabi ni Saguban na sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-11:15 ng umaga lulan umano ng kulay dilaw na dyip (JVH 576) ang mga benepisaryo ng 4Ps mula sa Barangay Cogonan nang pagdating sa nasabing bisinidad ay nawalan ng preno ang kanilang sasakyan.

Nahagip ng dyip ang tatlo pang mga kasalubong na sasak­yan na kapwa nagtamo ng pinsala hanggang sa bumaliktad ang dyip dahil sa hindi na ito nakontrol ng drayber na ikinatilapon ng mga pasahero.

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with