^

Probinsiya

2 bihag ng Abu, nasagip

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumagal lang ng halos apat na oras ang isinagawang rescue operation ng tropa ng militar sa dalawang bihag na kamag-anak ng isang alkalde ng Sulu matapos dukitin ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa bayan ng Talipao ng lalawigan, ayon sa opis­yal kahapon.

Kinilala ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command ang mga pinala­yang hostage victim na sina Edelyn Tulawie, 27-anyos, half –sister ni Talipao Mayor Nebukadnezar Tulawie at ina nitong si Addang Tulawie, 57-taong gulang.

Batay sa report, ang da­lawa ay binihag ng 20 mga armadong tauhan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Hatib Hajan Sawajaan matapos na sala­kayin ang taha­nan ng mga ito sa Brgy. Kan­daga, Talipa, bandang alas-2:20 ng hapon noong Miyerkules.

Ayon kay Besana, mata­pos na matanggap ang re­­port ay agad namang nagsagawa ng search and rescue ope­rations ang mga sundalo sa Brgy. Sinumaan at Brgy. Kagay kung saan huling naispatan ang dalawang bihag na ligtas na nasagip bandang alas-6:00 ng gabi.

Isinailalim naman ang mga biktima sa medical checkup at trauma debriefing sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AFP WESTERN MINDANAO COMMAND

GERRY BESANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with