^

Probinsiya

Magkapatid pinasok, pinagtataga: 1 patay!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela  , Philippines  —  Isang binatilyo ang nasawi habang malubha naman ang kanyang dalagitang kapatid matapos pasukin at pagtatagain ng kanilang sariling tiyuhin sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya, kahapon ng madaling araw. Kinilala ng Bayombong Police ang nasawing biktima na si Mark Denver Padilla, 15, grade 10 student habang inoobserbahan sa pagamutan ang sugatang kapatid na si Trixia May Padilla, 13, kapwa residente ng Inaldo Street, Brgy. Bonfal Proper sa nabanggit na bayan. Sa ulat ng Bayombong Police, dakong alas-2:15 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang magkapatid nang biglang magising umano si Trixia nang maramdaman na may kamay na tumakip sa kanyang bibig. 

Dahil dito, mabilis siyang bumalikwas at ginising ang kuya na kanyang tabi subalit kapwa hindi na sila nakapanlaban nang bigla silang pagtatagain ng suspek na nakasuot ng takip sa mukha bago tumakas. Agad na isinugod ang dalawang biktima sa Veteran’s Regional Hospital (VRH) subalit idineklarang dead-on-arrival ang nakatatandang Padilla. Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto at agad na natukoy ang suspek na sariling tiyuhin ng mga biktima na si Willy Sonio, 52, isang sekyu ng Purok 4, nasabing barangay.

vuukle comment

PINAGTATAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with