^

Probinsiya

4 Japanese, 13 Pinoy tiklo sa illegal mining

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Zambales, Philippines — Apat na Hapones at 13 Pilipino ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa illegal na paghuhukay at pagmimina sa kilalang Copones Island sa Barangay Pundakit, sa bayang ito.

Kinilala ng San Antonio Police ang mga inarestong mga dayuhan na sina Domyo Ukari, 56; Shinchi Kawano, 44; Morie Eizo, 60, pawang nakatira sa Legaspi Village, Makati City at isang 15-anyos na nagsisilbi nilang interpreter ng San Marcelino, Zambales habang ang 13 Pinoy ay sina Lloyd Marlo Cerezo, 22; Arnold Agel, 23; Rexy Maycong,21; Gregorio Domingo,34; Effer Tolentino, 24; Rodrigo Castro, 58; Luis Cerezo,39; Lymar Cerezo,20; Reggie Marcong, 25; Noel Flores, 29; Jason Ebalane,27; Espiridon Gumacao,62, at Ronald Gonzales, 48.

Ayon kay San Antonio Police chief P/Sr. Isnp. Jonathan Bardaje, sa pakikipagtulungan ng Provincial Mobile Force Company (PMFC), inaresto nila ang mga suspek nang maaktuhan habang illegal na nagmimina sa kanlurang bahagi ng isla. Nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang kagamitan sa pagmimina. 

ILLEGAL MINING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with