^

Probinsiya

Bagong halal na kapitan nag-suicide!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Palaisipan sa pulisya kung bakit nagbaril sa ulo ang isang bagong halal na tserman ng Barangay Naguilian Norte sa Ilagan City, Isabela noong Linggo. ?

Kinilala ni Supt. Rafael Pagalilauan, hepe ng Ilagan City Police ang biktima na si Saturnino Casue, 49, na natagpuang pumupusitsit pa ang dugo sa ulo nito sa loob ng kanyang bodega dakong alas-5:00 ng umaga.?

Ayon sa mga kaanak, maagang nagising si Casue at saka bumaba mula sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay bago nila narinig ang alingawngaw ng putok na tumapos sa kanyang buhay.?

Natagpuan din ang isang cal. 45 baril sa tabi ng bangkay ng bagong upong kapitan ng barangay.

 Ayon sa pulisya, ipapasailalim sa eksaminasyon ng SOCO ang bangkay ni Casue upang matiyak na walang foul play na insidente at mabatid ang motibo sa pagpapakamatay. ?

  Tinalo ni Casue ang nakaupong si Cesar Ramos matapos ang mainit at mahigpit nilang laban noong nakaraang barangay election.

vuukle comment

SUICIDE

TSERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with