^

Probinsiya

Bus hulog sa highway: 3 dedo, 28 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang 28 pa ang malubhang nasugatan makaraang dumausdos at mahulog ang sinasakyan nilang bus sa isang matarik na bahagi ng Sayre highway sa Purok 2, Brgy. Patpat, Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Irene Gaa, 30 anyos; Regine Abug, 10; pawang dead-on-the-spot sa mga pasahero ng bus at bystander na si Jomiaca Tacay, 14-anyos.

Ang mga sugatang biktima ay kinabibilangan ng driver at konduktor ng bus at 26 na mga pasahero.

Sinabi ni Sr. Inspector Joselle Longakit, spokesperson ng Bukidnon Police, dakong alas-3:30 ng hapon habang bumabagtas ang Rural Transit Mindanao Inc (RTMI) bus (KVR 367) na minamaneho ni Benjamin Marinay Jr., sa kahabaan ng highway sa naturang lugar nang bigla umanong may tumawid na isang tao sanhi upang tangkaing iwasan ng driver. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang bus na tumagilid hanggang sa dumausdos sa matarik na highway bukod pa sa paghampas nito sa Baptist Church sa tabi ng highway na ikinabasag ng salamin ng behikulo.

vuukle comment

BUS

HULOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with