Tanod inaresto sa rape
BULACAN , Philippines — Kalaboso ang isang barangay tanod matapos na arestuhin ng mga pulis dahil sa umano’y panggagahasa sa babaeng menor-de-edad sa Brgy. Mapulang Lupa, Pandi kahapon.
Agad na kinasuhan ng “rape in relation to R.A.7610” ang suspek na si Brix Mamaril, 36, ng nasabing lugar. Sa ulat ni P/CInsp. Manuel De Vera, dakong alas-12:00 ng madaling araw habang natutulog ang 16-anyos na dalagitang estudyante sa loob ng isang kuwarto nang pasukin ng suspek na nakikipag-inuman sa labas. Nang mapansin ng suspek na tulog na ang mga kainuman ay dito na niya pinasok ang biktima saka puwersahang ginahasa. Binantaan pa umano nito ang biktima na papatayin ang kanyang kaanak sakaling magsusumbong. Nang makatulog ang suspek, sinamantala ng biktima na tumakas papauwi sa kanilang bahay at agad na nagsumbong sa pamilya nito. Nadatnan pa ng mga pulis na natutulog ang nakahubad na suspek bunsod ng sobrang kalasingan sanhi ng kanyang pagkaaresto.
- Latest