^

Probinsiya

1 pang obrero, patay sa Hanjin

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines — Matapos ang dalawang araw, isa pa sa apat na manggagawang nalaglag mula sa tinutungtungang platform habang nagtatrabaho sa isang barko sa loob ng Hanjin shipyard noong Mayo 12 ang namatay na rin kahapon sa Baypointe Hospital dito.

Kinilala ang biktima na si Valian Dela Cruz, 39, tubong Zambales, at empleyado ng Binictican I-Tech, isang subcontractor ng Hanjin na nasawi dahil sa tinamong sugat sa ulo matapos na malaglag.

Nauna rito, nasawi si Ferdinand Leuterio, 38, isang foreman mula Leyte, dahil sa internal organ injury.

Dalawa pa sa kasama sa nalaglag na sina Johnny Alegre, 39, ng Quezon City at Gerry Bayuta, 34, ng Tarlac ay sinasabing nananatili pa sa ICU ng ospital.

Si Alegre ay nagtamo ng head injury samantalang si  Bayuta ay nagkaroon ng pagkabali sa kanyang likod matapos ang pagbagsak.

Sinuspinde na ng Department of Labor and Em­ployment o DOLE at ng Subic Bay Metropolitan Authority ang operasyon ng Binictican I-Tech.

Siyam na obrero ang nasa platform nang maganap ang insidente ngunit ang lima ay nagawang ku­mapit sa scaffolding at nai­ligtas.

HANJIN SHIPYARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with