^

Probinsiya

2 ‘tulak dedo, 7 timbog sa drug ops

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  —  Nasawi ang dalawang lalaking sinasabing mga notoryus na tulak ng shabu at timbog naman ang pitong iba pa sa isinagawang police checkpoint at drug operations sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan, Biyernes ng madaling-araw.

Isa sa dalawang na­paslang ang nakilalang si Dennis Pagar nasa hustong gulang, da­ting sumuko sa Oplan Tokhang, ng Brgy. Santor sa Malolos City habang inaalam ang pangalan ng isa pa.

Ang mga naaresto ay nakilala namang sina Jayson Sablayan, 32; Jeffrey Lariza, 34; Mario Purisima, 64; Adrian Vergara, 24;Francisco Apostol, 49; Benjie Cardona, 21, at Jose Arcilla, 40; mga obrero ng Intercity Rice Mill na nasa Brgy.Wakas sa bayan ng Bocaue.

Sa unang ulat ni P/Supt. Fitz Macariola ng San Jose Del Monte Police, dakong alas-2:45 ng madaling araw habang nagsasagawa ng police checkpoint ang kanyang mga tauhan sa isang bahagi ng Quirino Highway sa Brgy. Sto. Cristo nang biglang dumating ang ‘di nakilalang suspek lulan ng isang skeletal type na motorsiklo at nang pinapara na ito ay biglang tumakas ngunit hinabol ng pulisya. Nang mapalapit na ito ay biglang pinaputukan ang mga pulis na na­ging dahilan ng kanyang kamatayan saka narekober ang isang paltik na shotgun na may mga bala, 14 na sachet ng shabu, iba’t-ibang mga drug paraphernalias at personal na kagamitan ng suspek.

Kasunod nito ay nagsawa ng operasyon ang pulisya sa isang bahay sa Northville 8 sa Brgy. Santor na pag-aari ng suspek na si Pagar at habang nag-aabutan ng shabu at marked money sa kaharap nitong poseur buyer na pulis ay nakahalata ito dahilan upang bunutin ang kanyang armas saka tinangkang paputukan ang pulisya ngunit naging maagap ang mga ito na nagresulta ng kanyang kamatayan habang narekober ang 14 sachet ng shabu, isang paltik na shotgun , mga bala, P500 marked money at drug paraphernalias.

Samantala, isang obrero ang nagulat sa pulisya hinggil sa nagaganap na pot session ng iba pang mga obrero sa loob ng kilalang rice mill sa Intercity Industrial Estate sa Brgy. Wakas, Bocaue at nang makumpirma ay bumili muna ng isang sachet ng shabu kay Sablayan ang tauhan ni P/Supt. Jowen Dela Cruz saka siya inaresto habang naaktuhan ang iba pa na kasalukuyang nagsasagawa ng pot session sa lugar at narekober ang 4 na pakete ng shabu,P500 marked money at drug paraphernalias.    

vuukle comment

DRUG OPERATIONS

NOTORYUS

POLICE CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with