DepEd supervisor, itinumba

Bernard Viloan
NORTH COTABATO , Philippines — Napatay ang bisor ng Department of Education (DepEd) makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Purok 3, Barangay Rangaban sa bayan ng Midsayap, North Cotabato noong Lunes ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office ang biktima na si Bernard Viloan. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Gilbert Tuzon, hepe ng Midsayap police station, katatapos lamang mananghalian ng biktima nang makasalubong si kamatayan. Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Viloan mula sa cal. 45 pistol.Noong nakaraang taon ay binaril at napatay din ang southwest district supervisor na pinalitan ni Viloan.
- Latest

















