2 ‘drug dealers’, 1 pa itinumba
Onsehan sa droga…
MANILA, Philippines - Dalawang hinihinalang drug dealers at isang magtatari sa sabungan ang nasawi matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem habang dalawa pa ang nasugatan sa magkahiwalay na insidente sa Antipolo City nitong Huwebes. Ang mga nasawi ay sina Norman Danday at Ramil Mañago, pawang hinihinalang drug dealers at isang Jaymar Von Atienza, isang magtatari ng sabungan. Sugatan naman ang isang umano’y tulak na si Joseph Buebo at isang Raymond Sigue. Sinabi ni Supt. Ruben Andiso, hepe ng Antipolo City Police, dakong alas-11 ng gabi nang maitala ang unang insidente sa Sitio Tanglaw, Brgy. San Isidro ng lungsod dahil sa onsehan sa droga na ikinasawi nina Danday at Mañago. Nauna rito, pinagbabaril dakong alas-3:30 ng hapon sa Brgy. San Jose, Antipolo City si Atienza habang nasugatan dito ang kasamahang si Raymond Sique.
- Latest