^

Probinsiya

P2-M shabu nasabat sa Batangas pier

Joy Cantos, Lordeth Bonilla, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng pulisya ang 2 kilong high grade shabu sa abandonadong kotse na nakaparada sa parking lot ng Batangas Port noong Martes ng madaling araw.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Randy Peralta, Batangas police director, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Parañaque City Police Station laban sa isang alias “RJ” sa kahabaan ng Aguirre Avenue sa Barangay BF Homes bandang alas-12:15 ng madaling araw.

Gayunman, nakatunog ang suspek na mga police poseur-buyer ang kanyang ka-deal kaya agad na sumibad ito patungong Sucat Road papalabas ng South Luzon Expressway sakay ng abuhing Toyota Altis na may plakang XTU 479.

Sa isinagawang follow-up operation, nakipag ugnayan ang Parañaque police sa Batangas police kung saan kaagad namang narekober ang nasabing kotse ng suspek na nakaparada sa parking lot ng Batangas Pier bandang alas- 5:10 ng umaga.

Narekober sa loob ng kot­se ang 2 kilong high grade shabu na naka-pack sa dalawang plastic ziplock bags.

Patuloy naman ang pagtugis sa suspek na pansa­mantala munang hindi tinukoy ang kinaroroonan. 

RANDY PERALTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with