^

Probinsiya

Bangka lumubog: Totoy lunod, 4 nawawala

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Magpipiknik sana sa  isla ng Masbate…

LUCENA CITY, Quezon , Philippines  - Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng dalawang pamilya makaraang lumubog ang kanilang motorized banca na ikinamatay ng 12-anyos na totoy habang apat naman ang nawawala kamakalawa ng gabi sa karagatang sakop ng Barangay Pagsangahan, bayan ng San Francisco, Quezon.?   

Sa ulat na nakarating kay Quezon PNP Director PS/Supt. Roderick Armamento, nakilala ang namatay na si Junrex Dilao habang patuloy naman ang search and rescue o­peration ng mga awtoridad sa mga nawawalang biktima na sina Abraham Heyrana, 38; Sharona Heyrana, 35; Feron Chester Cuezon, at si Ferry Chesron Cuezon, mga nakatira sa Barangay San Francisco, Quezon.?    

Ginagamot naman sa San Francisco Municipal Hospital ang mga nakaligtas na sina Norafe Mingoy, 43; Jayvenz Andrey Heyrana, 11; Jallenz Andrey Heyrana, 9; at si Jennifer Lim, 37.

?Ayon kay Dr. Henry Buzar, PDRRMO provincial officer, dakong alas-5:30 ng hapon nang maglayag ang mga biktimang lulan ng motorized banca patungo sa Burias, Masbate upang mag-picnic.?    

Gayunman, dakong alas-7 ng gabi ay hinampas ng malalaking alon ang kanilang bangka kaya nawasak at tuluyang lumubog.?    

Dahil sa dilim ng kapaligiran ay nagkahiwa-hiwalay ang mga biktima kung saan umaga na ng matagpuang patay si Junrex habang ang apat naman ay nawawala.

vuukle comment

MOTORIZED BANCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with