^

Probinsiya

6 nalunod noong Biyernes Santo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Anim-katao na  karamihan ay senglot ang naiulat na nalunod sa ilog sa magkakahiwalay na insi­dente sa lalawigan ng Isabela, Ilocos Norte at sa La Union noong Biyernes Santo.

?Tinangay ng agos ng Magat River ang mga biktimang sina Anthony Amin, 30; Rodolfo Talamayan, 49; at si Rolando Bautista, 45, sa mga bayan ng Reina Mercedes, Angadanan at sa bayan ng Gamu sa Isabela.

Ayon kay Isabela police chief investigator na si P/Supt. Manuel Bringas, magkasamang nag-iinuman sina Amin, Talamayan at Bautista nang tinangka nilang magtampisaw sa ilog nang makaramdam ng init sa katawan.?

Gayunman, magkakasabay na nalunod makaraang mapadako sa malalim na bahagi ng nasabing ilog

Samantala, pinaghahanap pa rin ang 19-anyos na biktimang si Glen Mey Dela Cruz matapos itong lumundag sa malalim na bahagi ng Lalog River sa Barangay Lalog dos sa bayan ng Luna, Isabela.

Kusa namang lumitaw ang bangkay ni Arnel Domingo nang malunod sa sapa malapit sa kanilang bahay sa Barangay Cabungaan, Laoag City, Ilocos Norte kung saan ginanap ang matinding inuman ng magkakaibigan.?

Nabigong maisalba ng mga sumaklolo ang biktimang si Reynante Marzan matapos itong lamunin ng dagat sa beach resort sa Barangay Wenceslao, ba­yan ng Caba, La Union.

Nabatid na nakainom si Marzan nang tangkain nitong lumusong sa dagat subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalunod.

BIYERNES SANTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with