^

Probinsiya

2 drug pusher dedo sa drug ops

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Philippines  – Dalawang hinihinalang drug pushers ang napatay sa engkuwentro ng pulisya at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang buy-bust operation noong Miyerkules.

 Kinilala ni P/Senior Supt. Antonio Yarra, provincial police director, ang napaslang na drug suspects na sina Mario Velasquez, 38, ng Barangay Cruz Roja ng lungsod na ito at Victor Gregorio, 44, ng Kaunlaran Village, Malabon City.

 Ayon kay P/Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City police, ang engkuwentro ay nangyari sa kahabaan ng Valdefuente-Fortaleza Road sa Barangay Lourdes makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang isang unit ng PDEA, batay sa ibinigay na tip ng civilian informant. Nagpanggap na buyers ang ilang kagawad ng pulisya ngunit nakahalata umano ang dalawang suspek dahilan upang bumunot ng kanilang baril at paputukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta ng barilan at kamatayan ng dalawa.

 Limang piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha kay Velasquez at isang cal. 38 revolver at mobile phone, habang nakuha kay Gregorio ang isang cal. 32 revolver at plastic sachet ng shabu. Narekober din ang isang motorsiklo na nakarehistro sa isang Eleonor Bolisay ng Barangay Sta. Cruz, Gapan City. 

vuukle comment

ANTONIO YARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with