Tulak kumasa sa buy-bust, dedo
BULACAN, Philippines – Napatay ang 51-anyos na lalaki na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya matapos itong makipagbarilan sa mga awtoridad sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Tambubong, Bocaue, Bulacan noong Linggo ng gabi. Kinilala ang napatay na si Pilegio “Weng-Weng” Legaspi habang naaresto naman ang isa pang suspek na si Rolando Legaspi. Pinaghahanap naman ang kasabwat sa drug trade na si Domingo Legaspi, 49. Sa police report na isinumite ni P/Supt. Jowen Dela Cruz sa Camp Alejo Santos, narekober ang isang cal.38 revolver, mga bala, 33 plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia at ang P1,000 cash na marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest


















