^

Probinsiya

Coed arestado sa puslit na droga

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines - Arestado ang 19-anyos na kolehiyala makaraang masakote sa tangkang pagpupuslit ng ilang drug paraphernalia para sa kanyang ama na nakapiit sa Nueva Ecija Provincial Jail sa Barangay Caalibangbangan, Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Dhanilla Jed Ingalla, 19, ng Sta. Rosa, Nueva Ecija at 2nd year college student sa Nueva Ecija University of Science and Techno­logy (NEUST) Sumcab Campus. Ayon sa pulisya, bandang alas-11 ng umaga nang bumisita ang dalaga sa nakakulong na ama nito sa panlalawigang piitan subalit hindi na umano ito nakapasok nang harangin ng mga guwardiya matapos na makumpiskahan ng improvised pipe na may residue ng marijuana, isang stick ng sigarilyo at 2 disposable lighters. Dinala ang dalaga sa Cabanatuan City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

vuukle comment

NUEVA ECIJA PROVINCIAL JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with