^

Probinsiya

Operator nilamon ng makina

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 36-anyos na machine operator ng pagawaan ng marmol matapos itong lamunin ng makina na kanyang nililinis sa Barangay Capihan, bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng umaga. Nagkagutay-gutay ang katawan at hindi na halos makilala ang biktimang si Joey Magbanua ng nasabing barangay.

Ayon kay SPO1 Dante Castillo, nililinis ng biktima ang tertiary conveyor ng milling machine sa Sabariaga Trading nang biglang huminto ang makina kaya napilitang pumasok ito sa loob ng malaking conveyor machine. Gayunman, biglang umandar uli ang makina kaya na-trap sa loob ang biktima kung saan tinangkang saklolohan ng ilang kasamahan subalit nagkagutay-gutay na ang katawan nito.

vuukle comment

DANTE CASTILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with