^

Probinsiya

Tsinoy trader itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Filipino-Chinese ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng P. Burgos Extention, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay si Ashley Lian, 33, may asawa, may-ari at manager ng  UniCity General Merchandise ng Brgy. Tandang Sora, nabanggit na lungsod. Sa ulat ng CARAGA Police, alas-8:20 ng gabi habang lulan ng tricycle ang biktima kasama ang misis nito nang pagbabarilin ng mga armadong suspek pagbaba sa tapat ng gate ng kanilang inuupahang apartment sa lugar. Tatlong  tama ng bala ang tinamo ng biktima na idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan at nakaligtas ang tulalang misis nito. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas. Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

 

vuukle comment

TSINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with