^

Probinsiya

Mag-ina sinuyod ng killer van

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalunus-lunos ang kamatayang sinapit ng isang 31 anyos na ina habang kritikal ang kanyang sanggol at tatlo pang iba matapos silang araruhin ng van sa Sitio Mabilig, Barangay Sadsadan, sa bayan ng Bauko, Mt. Province noong Linggo. ?

Kinilala ni P/Chief Insp. Jomarick Felina, tagapagsalita ng Mt. Province ang namatay na si Cherry Soriano habang nakikipagbuno kay kamatayan ang isang taong sanggol na si Charlene sa Luis Hora Regional Memorial Hospital.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nataranta ang drayber ng Mitsubishi Delica van (RCA-374) na si Tomas Bandao, 68, nang mabangga nito ang motorsiklo ni Rainfred Manabeng.?

Sa halip na matapakan ang preno ay silinyador ang nadiinan nito kaya nagtuluy-tuloy sa mga biktimang nakatayo sa tapat ng waiting shed.

Ayon kay Felina, patay kaagad ang nakatatandang Soriano matapos bumalandra sa pader.?

Dinala rin sa ospital sina Jhesel Luncio, 9; Susan Mangsi, 42; at si Agrifina Gisey, 44, kasama si Manabeng. ?

Sumuko naman sa mga pulis ang drayber ng van matapos ang insidente.

vuukle comment

JOMARICK FELINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with