^

Probinsiya

Drug runner, nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao , Philippines  - Pinabulagta ang 36-anyos na obrero na sinasabing sangkot sa drug trade matapos itong pagbabarilin sa loob ng kanyang silid sa Sitio Sta. Cruz, Barangay Balindog Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Eddie Largo ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang pinasok ng dalawang hindi kilalang lalaki ang biktima sa kanyang kwarto saka isinagawa ang pamamaslang. Base sa salaysay ng pamilya Largo, matagal na ring tumatayong drug runner ang biktima kung saan una na itong sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya. Sa ngayon, hustisya ang panawagan ng misis ng biktima na kasalukuyang ipinagbubuntis ang kanilang pangalawang anak.

vuukle comment

LEO AJERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with