^

Probinsiya

4 tserman tiklo sa droga!

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Arestado ang apat na kapitan ng barangay sa dalawang magkahiwalay na bayan sa lalawigang ito dahil sa umano’y sa pagbebenta ng ilegal na droga, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni P/Sr. Supt. Antonio Yarra, Nueva Ecija Police provincial director, ang mga suspek na sina Brgy. Bintegan Chairman Jaime Dumandan at Brgy. Bantug Chairman Joel Alonzo, kapwa sakop ng bayan ng Cuyapo; gayundin sina Brgy. Gomez Chairman Reynaldo Santos at Brgy. Casile Chairman Abundo Inovero, sa bayan ng Gen. Llanera matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu sa kani-kanilang mga tahanan. Nitong Enero 13, nang isagawa ang police anti-drug operation sa bahay nina Chairmen Santos at Abundo, at nakuha kay Santos ang 4 plastic sachet ng umanoy shabu at isang 12-gauge shotgun habang kay Inovero ay 4 plastic sachet ng shabu at isang rifle. Nitong Enero 15,  nagsagawa ng raid ang pulisya sa bahay nina Chairmen Dumandan at Alonzo, kung saan 7 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa dalawa. Samantala, nakuha sa bahay ni Brgy. Bulala Chairman Benedicto Monses ng Cuyapo na nakatakas ang 3 sachet ng shabu.

vuukle comment

TSERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with