^

Probinsiya

Flashflood: 9 patay, 2 missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

State of calamity idineklara sa CDO

MANILA, Philippines - Siyam katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pa ang nawawala at libu-libo pa ang apektado nang malawakang pagbaha sa Visayas Region at ilang bahagi ng Mindanao kabilang ang Misamis Oriental, Cagayan de Oro City (CDO) at Zamboanga del Norte sanhi ng low pressure area (LPA), ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Kinilala ng NDRMMC ang mga nasawi sa pagkalunod ay sina Rudy Boy Cabido, 14, ng Brgy. Agusan at Zian Angel Montesino, 10, ng Brgy. Awang, Opol at Franklin Ociosbello, 59, ng Brgy. Balulang, CDO. 

Iniulat din Provincial Disaster Risk Management Council (PDRMC) na natagpuan na ang katawan ng nawawalang magkapatid na sina Lean Denise Bayron, 5-anyos at Aran Zurk Bayron, 3-anyos sa Zamboanga del Norte matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig baha noong Lunes ng umaga sa Brgy. Lower Irasan, Roxas. Samantala, nawawala pa rin ang batang si Alfie Saldero, 10, Grade 3 pupil ng Ponot Central School sa bayan ng Jose Dalman ng naturang probinsya.

Ayon naman kay Fernando Dy, Misamis Oriental PDRMMC Officer-in-Charge, apat ang nasawi sa pagkalunod sa lalawigan na kinilalang sina Jaime Chan, 3, ng Gingoog City; Kian Montecino, 10, ng Opol; CJ Lapuz, 7, ng Magsaysay at isang Nilo Quiloman, 54, ng Gingoog City habang nawawala rin ang isang Abel Uano ng Median. Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Ricardo Jalad, ang mga lugar na dumanas ng thunderstorms at malalakas na mga pag-ulan ay ang Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Palawan at Visayas. Patuloy ring nakararanas ng mga pag-ulan sa Regions VI, VII, VIII, IX, X at sa Negros.

Sa tala, nasa 1,116 pamilya  o kabuuang 4,879 katao na ang apektado ng pagbaha sa CDO at Misamis  Oriental habang libo ring katao ang naitala sa iba pang mga lugar.  Tatlo ang nasugatan at isa ang iniulat pang nawawala sa lugar.

Nagdeklara na ng “state of calamanity” sa CDO habang kinansela ni Misamis Oriental Gov. Yevgeny Vincente Emano ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa lalawigan.

FLASHFLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->