^

Probinsiya

Mag-asawang trader, nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang mag-asawang negosyante makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa 305-C, Barangay Palkan sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang mag-asawang sina Raul Alitao, 54; at Ofelia Alitao, kapwa residente ng Koronadal Proper sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Herman Gabat, chief of police sa bayan ng Polomolok, nakita na lamang na nakahandusay ang mag-asawa ng mga taong dumaraan sa nasabing lugar bandang alas-5:30 kahapon ng umaga. Narekober sa crime scene ang motorsiklo ng mag-asawa at dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Nabatid na nagtatrabaho ang mag-asawa sa poultry farm at nagmamay-ari rin ng niyugan sa kanilang lugar.

BARANGAY PALKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with