^

Probinsiya

Security officer dinedo sa city hall

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang isang security officer ng lokal na pamahalaang matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa harapan ng lumang city hall sa Tagum City,  Davao del Norte kahapon ng umaga. Napuruhan sa katawan si Ronnie Pascia ng Barangay Madaum at miyembro ng Tagum City Security Management Office. Sa ulat ni P/Supt. Laudemer Laude, hepe ng Tagum City Police na isinumite sa Camp Crame, naka-duty sa kanyang post si Pascia sa lumang city hall sa kahabaan ng Rizal Street may ilang metro lamang ang layo sa police station nang lapitan at barilin. Nagawa pang itakbo ang biktima sa Davao Regional Medical Center subali’t idineklara itong patay. Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa barilan sa New City Hall Complex sa Brgy. Apokon noong 2015 na ikinasawi ng isa. Nabatid na hindi nakasuhan sa insidente si Pascia at inilipat lamang ito ng puwesto. 

vuukle comment

SECURITY OFFICER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with