^

Probinsiya

Ama pinugutan ng anak na may ‘sapi’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ama pinugutan ng anak na may �sapi�
Ayon sa imbestigasyon, bago ang krimen ay nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-ama kung saan ilang oras ang nakalipas ay kumuha ng bagong hasang itak ang suspek saka pinagtataga ang kanyang ama.

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 54-anyos na ama matapos itong pugutan ng sari­ling anak na pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Nonino Apolinario, magsasaka habang patuloy namang pinaghahanap ang  suspek na si Peter Apolinario, 31.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa bahay ng biktima sa Brgy. San Vicente bandang alas-7 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon,  bago ang krimen ay nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-ama kung saan ilang oras ang nakalipas ay kumuha ng bagong hasang itak ang suspek saka pinagtataga ang kanyang ama.

Hindi pa nakuntento ang suspek ay tuluyang pinugutan ang ama.

Nabatid na tinawag pa ng suspek ang kaniyang bayaw at sinabing pinatay na niya ang ama saka mabilis itong tumakas.

Natagpuan  sa crime scene ang pugot na ulo ng biktima na nasa tabi nito kung saan inaalam ng pulisya kung lango sa droga ang suspek.

vuukle comment

SAPI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with